ang laging unang hakbang sa malayang pagsusulat ay ang pahahanap ng paksang maisusulat. sa kasalakuyan ay maraming mga ideyang nagsusulputan sa aking balintataw na nais kong masulat at sa gayon ay maibahagi sa blog na ito. ngunit aanhin ko naman ang umaapaw na mga ideya kung di ko ito maiayon sa kung ano ang mas interesante sa hindi. ang pambungad na ito ay isang pasilip sa malawak na mundo ng kawalan sa loob ng isang manunulat. kaya huwag kang magpapalinlang kung ang mga naging paunang pahayag ay may kabuluhan. ang mga ito ay isang pagahahanda lamang na aking ginagawa bago ako makapagsulat ng mga bagay na may kabuluhan. para ko na ding sinabi na ang kasalukuyan kong sinuslat ngayon ay walang importansya.
ang buhay ay hindi paghahanap ng kabuluhan kundi pagiging isang kabuluhan. ito ay isang pagsubok na maging kapakipakinabang sa sarili at sa mga tao. ang buhay ay nagkakaroon ng kahulugan kung ikay nakapag dulot ng kasiyahan at importansya sa iba. maaring nagawa mo ito sa pagpapatawa ng kapwa o pag tulong na maipagtanto ang isang mahalagang riyalidad na habang buhay nitong babaunin. maari din namang isang pagbabahagi ng buhay sa iba, katulad ng pagmamahal. walang buhay kung walang pagmamahal sapagkat lahat tayo ay umiikot sa pagmamahal. sa lahat ng ating ginagawa, lahat ng ito ay patungo sa iisang dahilan at yun ay ang pag ibig.
No comments:
Post a Comment