Takip-silim
Ng aking tag-init.
Tag-init na lumililim
Sa tag-lamig.
Tag-lamig ng gunita.
Gunita ng init.
Init na naglalakbay
Sa diwa.
Diwa ng aking
Mga panaginip.
Panaginip sa araw
At gabi.
Gabi sa umagang
Wala ka sa tabi.
Tabi ko ang ala-ala
Ng iyong labi.
Labi na dasal
Ng mga panalangin.
Panalangin sa maykapal
Na maangkin.
Maangkin at
Mapagsaluhan natin.
No comments:
Post a Comment