Sunday, February 6, 2011

speech for filipino

    ika nga ng mga kabataan ngayon: "ang taong di lumingon sa pinanggalingan ay may stiff neck." nakakatawa man ngunit kung pagkakasuriin ay totoo at may naaayon na kabuluhan. paano mo naman lilingunin ang iyong pinanggalingan, ang iyong sariling kultura at paniniwala at ang iyong pambansang sining kung di mo na maigalaw ang iyong leeg sa sobrang pagtanaw at pagkahilig sa kultura ng ibang bansa? o di ba? parang stiff neck lang. pag di ka lumingon, pag di mo ginalaw ay mas lalo kang mahihirapang ibalik at ilingon ito sa iyong pinagmulan.
ngunit kung tutuusin lahat naman ng karamdaman ay may kaukulang gamot, kahit ng simpleng stiff neck ay mareremedyohan kung ito ay gugustuhin. paano mo naman kasi maibabalik kung ikaw mismo ay tinatanggihan ang remedyo?
   sa kuntemporaryong panahon hindi maitatanggi ang sobrang halatang pagkahilig at pagyakap ng mga pinoy sa kanluraning kultura o ilagay na lamang nating sa kultura ng iba. mapa-koryano, ingles, amerikano ay pilit nating ginagaya. may iba pa ngang sadyang nagpapaputi kahit kayumanggi naman, may naglalagagy ng mga makukulay na "contact lens" para masabing ka kulay nito ang mga iniidulo nilang artista. ngunit ito ba tayo? ikaw ba ay ikaw pa rin? o tuluyan mo nang iniba ang kulay ng iyong pagkatao para magkaroon ng "green card".
  kung ang layunin ko sa pagharap sa inyo, sa pagsasalita ko dito sa entablado ay upang kumbinsihin kayo na tangkilikin ang sariling atin ay di ko alam kung san sisimulan. kung ang iniisip niyo ngayon ay ang kapangitan at kasiraan ng ating bansa, ang mga katiwaliiang umaanino sa kinang ng perlas ng silangan ay ito ang pilit kong hahawiin upang lubos na maintindihan at mahalin natin ang tila tinataya nang pinagmulan.
   simulan natin sa mga taong nagbigay ng karangalan sa ating bansa. mga pilipinong buong dangal na ibinahagi at inilahok ang kagalingan upang maging kinatawan ng ating bansa. perpektong halimbawa sina Maria Venus Raj na naging isa sa mga finalist ng Miss universe 2010 at Danica Magpantay na tinanghal bilang supermodel of the world ng Ford. kung tutuusin kayumanggi ang kulay na pinanglaban nila sa mga nagpuputiang kano. buong pagmamalaki nilang nirampa ang pamanang kulay ng balat ng ating mga ninuno. tunay ngang magaganda at matatalino ang mga pilipino.
  sa sining naman, di maitatanggi ang kagalingan ng mga pilipino sa paggawa ng mga disenyo ng damit, bag, kasangkapan at iba pa na tampok ang mga kultural at katutubong disenyo na gawang pinoy. mga disenyong sumikat di lamang sa pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. ito ay marahil sa orihinal na konseptong pinoy na kitang-kita sa pagkakagawa o pagkakahabi ng mga ito. isang pagpapatunay na hindi nating kailangang manggaya para maging kilala sa iba't ibang larangan.
  ang mga likas na yaman ng ating bansa ang isa din sa mga pamanang lubos nating maipagmamalaki. mga tanawing natural at talagang world class. sana nga lang ay hindi ito pagsamantalahan ng mga kurakot ng lipunan o mga dayuhan.
   kung ating susumahin maraming mga bagay ang tunay nating maipagmamalaki bilang mga pilipino. kaya bakit pa ba tayo maghahanap ng iba kung meron naman tayong sariling atin. kaya hamon ko sa bawat pilipino na remedyohan natin ang ating mga stiff neck at tuluyan nang lumingon sa ating ginintuang pinanggalingan. 
  
  

No comments:

Post a Comment

About Me

My photo
once in a while you chance to meet people from the inside universe of their own.